Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
New Year New Day New Life!
Hello guys! I am so tireeeeeed mag pasa ng resume at maghanap ng work ! Nung monday ay nagsimula na ulit kaming maghanap ng aking mga classmate ! Ang hirap hirap lang kasi hindi ko maisingit sa utak ko na ganun ang gagawin ko everyday just to earn money !! Eh hindi naman talaga ganun ang dream ko ?? Hayysss so hirap maintindihan ! gonk Bakit ba kasi sa dami dami ng pedeng gawing pangarap sa buhay ay maging isang

Singer/Dancer
Actor/Host
Model


pa ang gusto ko maging??? Pede namang Doctor since yoon ang gusto ko ng bata pa kasi gusto ko daw makatulong sa mga may sakit! Pede ding Nurse kasi medyo matagal pala ung Doctor kaya Nurse na lang! Pero hindi ehhh nalihis ng landas yung pangarap na un xd

Hayayayay naku ewan ko ba bakit ba ganito ang mundo nakakalerki ! Bakit naman ung ibang magaganda at gwapo hindi naman yun ung pangarap nila? Nagkabaliktad baliktad yata ng utak ang mga tao dahil yung gustong gustong maabot ng iba na nasa kanila na ay hindi naman yoon ang gusto nila! Kung sinu pa yoong merong potential na maging artista sila pa yung walang pangarap na ganun! Anu ba yan nakakalito no? Ako din nalilito na sa pinagsasabi ko rofl Wala nga naman talagang makuntento sa buhay. Pag kulot gusto straight, pag maitim gusto pumuti! xd

Sabi ng aking pinsan itry ko lang daw ung iba kong gusto muna bago yun. Gusto ko din lang naman pansamantala maging

Tour Guide
Receptionist
Customer Assistant
Customer Representative
Secretary


kaso ang course ko eh Bachelor of Science in Information Technology kung saan ginugul ko ang 4 na taon sa puro computer programming na hindi ko talaga naman gusto at para lang maka graduate ! Akala ko hindi ko na kakayanin yun pero nalagpasan ko naman ! Hindi ko rin naman sila masisi dahil pinilit nila akong kuhain eto pero gusto ko naman talaga magshift from Nursing kung saan nasayang ang 1 year and 1 sem para kumuha ng Mass Communication or Tourism ! Ehh ayaw nila ako payagan kaya ayun BSIT na lang! gonk Sa awa ng Diyos eh nakatapos naman ako ! Akala ko tapos na ang aking paghihirap hindi pala!! Mas mahirap na etong paghahanap ng trabaho dahil ang mga gusto kong maging trabaho ay hindi naman talaga related sa aking course kaya hindi ako makuha kuha ! Idagdag mo pa dyan ang akin hairstyle na pagkahaba haba ! Naniniwala naman kasi ako na bakit kelangan ko ipagsiksikan ang aking sarili sa lugar na hindi naman deserving ! Diba maiksi lang ang buhay kaya gamitin mo na hangga't maari ! Kaya nga madaming oras na din ang nasasayang dahil wala pa din akong work anu ba ! crying

Pero sa mga panahong nabakante naman eh hindi naman nasayang ang bawat araw dahil ginagawa ko naman ang mga gusto ko ! Ang kumanta at sumayaw ! Patago at palihim nga lang ! Pero at least diba hindi nasasayang kasi binibigyan ko talaga ng effort un ! Pero parang kulang pa din! evil Hindi naman kasi ako kumikitang kabuhayan doon. Sa pagbantay ng computer shop na nga lang ako nakakabawi kaso hindi naman ako makakaipon doon para mabili ang mga gusto kong:

Laptop
Guitar
bagong damit, pantalon sapatos, bag etc!


Gusto ko na nga lang magaral ulit sa school ni idol Sarah Geronimo ng mga singing,dancing lessons eh wala naman akong kwarta ! Hindi naman ako papayagan ng aking parents na magenroll doon diba! burning_eyes

Gusto ko talaga ang music pero parang napaka impossible naman talaga! Pero naniniwala naman talaga ako na magagawa ko yan eh ! Naniniwala naman ako sa sarili ko, kelangan ko lang talaga mas bigyan pa ng toda max effort talaga sa lahat ng aking makakaya! Ang hirap lang din kung ikaw lang magisa! Parang me against the world lang ang peg! Kaya gulong gulo na talaga si brain! Kelangan ko to ayusin dahil sabi ko nga nasasayang na ang panahon at patanda na ng patanda ako OMG! gonk 3 months na lang 23 na ako ! Hindi ko nga man lang nafeel ung pagiging 22 ko grabi na to! stressed So ang kelangan ko talaga ay hindi ko alam! Pero dahil sobrang emotional ko ngaun kaya hindi ko talaga alam. Malay mo bukas alam ko na ??! whee xp mrgreen





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum