Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Muntik na!


User Image

May 1 2013

Muntik na!

Yehey pupunta ulit akong court para manuod naaaaaaaaaaaaaaaang..... GM! hahaha!! Here we go again!! Stalker mode again and again! Ang unti yata ng nanunuod ngaun ahhhh. Panu ba yan solong solo ko si GM sa view ko hahaha! Ayan start na ng game! 4laugh

Mukang my advantage ang kabilang team dahil matatangkad ang mga players nila! Parang pinaglalaruan lang nila ung mga kalaban nila oh! Humingi kaya akong sign? Pag nakabawi pa etong kabilang team ehhh.. anu namang klaseng sign?? Ay wag na lang baka madisappoint lang ako at matalo pa! Hala sige laro lang kayo dyan, at dito muna ako kay GM hahaha. Naku nakakadistract naman ung kalapit ko at nag titinda ng siomai, parang gusto ko tuloy bumili kaso wala ako dalang pera!! Hala sinu ba ung malakas tumawa na un ?? NYeeee si GM pala ahahaaha! Kung makatawa wagas!! Grabe ang kukulit nung kalapit nya tawa tuloy sya ng tawa! Kinikilig tuloy ako hahaha!! Ay may kausap nanaman sya sa phone?? Sinu kaya un palagi nya kausap huhu. Kung my number ako ni GM naku ittext ko sya ng good morning, gandang tanghali, at good night para kumpleto diba pagkagising at bago matulog ako parin ang huling bumati sa kanya hahaha! emotion_kirakira

Hindi pa din ako nakakabili ng cap nila ah! Nainggit tuloy ako sa cap nya! Balak ko kasi bumili ng cap sa ukay2 nila para my souvenir ako hahaha kaso hindi pa din ako nakakapunta sa bayan! Nangangalay na ako tumayo!! Dapat nagdadala na ako ng upuan para hindi ko palagi nakatayo magisa ! Hays ok lang nawawala naman lahat ng ngalay pag tumitingin si GM sa pwesto ko hahaha!~ ♥ Ay hala muntik na!! emotion_jawdrop

Muntik na akong matamaan ng bola!! Panu tumalsik sa amin ung bola tapos tumama dun sa lalagyan ng siomai na kalapit ko haha!! Kung hindi ko nakita yun at nakatulala lang ako kay GM na tamaan na siguro ako at baka nakita nyaaa!! Nakakahiya un hahaa! Dahil sa pwesto ko pumunta ung bola ako tuloy ang kumuha ng bola at pinasa ko na sa referee!! Aba teka.. nahawakan ko ang bola!! Parang huminto nanaman ang oras! Yoon ba ang bolang nahawakan na nina GM? WAAAA KINIKILIG NAMAN AKO HAHAHA! Parang feeling ko nahawakan ko na din ang kamay ni GM! Eh baka ibang bola na un kasi kagabi pa sila naglaro at audience lang sya ngaun ehhh.. kahit na! Pinilit? HAHAHA!! cat_rofl

Aba humahabol pa ang natatalong team!! Ayan naka foul pa ang kalaban! hala free throw nanaman at shoot lahat! Grabe makakahabol pa nga! 30seconds na lang !! Nakashoot pa ang natatalong team!! Ayan na mas lamang na sila !!! AHAHAHA!! Nanalo pa nga !! Muntik na silang matalo oh nakalamang pa ng 3 pts sa kalaban! Akala ko wala na silang pag asa o nakabawi pa nga !! Tsamba lang ba un ?? Waaa bakit hindi pa sya umaalis tapos na ang game ahhh. Nyeee my kasunod pang game?? Hala ngalay na ako hahaha! cat_xd

Ang kati ng paa nya, panu kinakamot nya oh hahaha kahit pag kamot ang cute! Wag mo masyado kamutin hala baka magsugat!! Ako ang kinakati sa kanya haha! WAAA ang cute naman nanguso sya tapos ung matambok ung pisngi haha adik lang!! Aba Pudra ni GM un ahh?? Nandun pala un, ay hala tinawag na si GM! Tara na daaaaw. Ayun sa chika, very strict talaga and Pudra nila! Kaya naman panu na pag kami na ni GM?? Bawal na kami lumabas ng gabi at my curfew?? Ang dami sigurong bawal? Mas bawal pa sya lumabas eh lalaki sya hahaha!! Naku nagiimagine nanaman hahaha!! cat_whee

Sayang oh dahil kung natuloy kaya na humingi ako ng sign dahil nakabawi nga ung natatalong team.. anu naman kayang magandang sign ang hihingin ko??

(P.S. SYa ung naka red na sando sa right waaa!)

emotion_kirakira emotion_bigheart emotion_kirakira





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum