Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Bata!
User Image


May 7 2013

Bata


Finals na ba? Kasi kung ganun kelangan ko na pumunta ng court at baka ito na ang huling araw na masusulyapan ko si GM kahit quarter to 7 pa lang haha! Oh no! Bakit pabalik na ang mga tao? Tapos na ba ang game? Waaaaa ang agap naman! Ay ayun my mga natira pa sa court at mukang may kasunod pa! surprised

Mga bata pala ngaun? Sinu kaya kanina at ang dami yatang nanuod kasi ang dami ng mga nakasalubong ko na tiga Karachi? Baka junior division! Sayang at hindi ko naabutan! Pero ayun si GM OMGee! Parang my pinuntahan sya ah kasi naka jersey sya na red tapos nakamaong shorts at naka cap ! Ahihi ang cute talaga nya pumorma! cat_4laugh

Bumiibili sya ng barbeque? Parang gusto ko din tuloy, mukang masarap eh haha! OMGee nakita nya ako! Waaaaa kilig alert! Ang agap pa para magsulyapan tayo GM haha! Ayan na, ready na yung barbeque nya, bumili pa ng palamig! Dito nga muna ako sa mga batang nagppraktis! cat_pirate

Hala bakit ang liliit naman ng mga kalaban ng kabila? Kaya pala Bulilitz ang name ng team nila eh! Hindi ba unfair naman un? Parang elementary vs highschool lang eh. Meron namang isang matangkad sa team nila, pero kasali rin kaya un sa game? Baka kasali din kasi naka uniform din eh? cat_surprised

Tapos na yatang kumain si GM! Ayan na bumalik na sya dun sa motor nya, andun din ung kapatid nya ah. Magsstart na ang game! kasali nga ung isang matangkad haha sya lang yata ang pag-asa ng Bulilitz team! Grabe makakascore kaya ang mga yan? Tinatawanan lang sila ng mga kalaban nila ehh. At break muna! Ang layo ng score ng kabilang team. Makasulyap nga muna ulit kay GM! cat_redface

HALAAAA! Nakatingin ditoo waaa! 1.. 2.. hindi ko na mabilang kung ilang seconds na sya nakatingin kasi nawiwindang na ako! Hindi ko na kaya ! Tingin muna ako saglit sa iba! Grabe kinakabahan ako! Kalma kalma ka lang! Patingin nga ulit? WAAAA! NAKATINGIN PA DIN SYA! WHY do I get this feeling na the world is turning upside down?? Kalerki lang! Ayan tapos na ang break at start na ulit ang game! emotion_bigheart

Tinanung ko ung magtitinda ng siomao kung hanggang kelan pa ang game at sabi ay baka hanggang linggo pa! Un naman pala ehh halos isang linggo pa haha ! Hala nagising tuloy ung baby ng magssiomai na katabi ko! Buti pa sya oh walang problema. Isang iyak nya lang pupuntahan na agad sya, tapos papatahanin na sya ng magulang nya. Panu kaya kung naalala agad ng mga baby ang nangyayari sa paligid? Diba pag merong isa pang baby palagi nila pinag papares tapos ginagawang mag loveteam pag malalaki na! Ang cute lang! Siguro kung dito lang lumaki sina GM edi nagkikita na siguro kami nung mga bata pa kami? Kasi wala pang malaking simbahan noon dito sa amin at eto lang chapel ang meron dito sa lugar namin. Haha naisip ko pa yun? At alam nyu ba ung kapitbahay nila ngaun, dun nakatira dati ung tita namin at pumupunta kami dun pag bday ng anak nya! Haha siguro invited din sila noon tapos magkakasama kami waaa! emotion_dowant

Hala paalis na sina GM? Baka ung kapatid nya lang kasi sya ang magddrive imbes na si GM? Ay hinde umalis na nga waaaa! Uuwi na din muna ako wala naman si GM babalik na lang ako later! emotion_donotwant

Aba mga 30 min na din ako sa bahay. Makabalik na nga sa court at baka tapos na basketball game ng kids division. Aba hinde pa tapos! At wala pa din si GM? Pero matatapos na ang game at kasunod ay Junior division na! Aba medyo dikit ang score pero mas lamang pa din ang mga matatangkad na kids! At tapos na ang game! Talo ang team Bulilitz! Yung dalawang bulilitz pa naman ay ang daddy nila ay ang referee nila haha saklap! emotion_awesome

Hays ang tagal ni GM.. Aba ung Pudra nya ung parating ahh! Baka kumain muna sila kaya umalis kanina sina GM? Hays.. sya na lang kaya muna ang tingan ko haha! Ihhh ang weird naman, pero hindi ko mamukaan si GM sa Pudra nya! Baka sa Mudra nya ang medyo kahawig nya? Oo nga sa mata ! Yung kulay siguro ang nakuha nya sa Pudra nya! Ang tagal naman nya.. Babalik pa kaya yun? Mga 20 min. Na din yata akong nakatayo at nagaantay dito ahh? Nakakatagal nga ako ng ilang oras pag nandyan sya ehh at parang ambilis palagi pero pag umuuwi na ako 11pm na pala! Hays.. OMGee na ririnig ko pa dun sa kasunod na player na baka madefault sila kasi wala ung iba nilang kateam! Waaa panu na yan wag naman sana mangyari un! emotion_eyebrow

YEHEY ayun na sya haha ang saya! Naku dun naman sya pumwesto sa hindi ko makita anu ba yan! May nakaharang na mga boys! Tsk.. Ayan na kumpleto na ang mga players! Aba ung isang team ay yung kagabi ah? Hinde ko nga alam kung natalo sila kasi diba umulan haha! Ayun lumipat din si GM ! Yehey kitang kitA ko na sya ulit! emotion_kirakira

Aba teka parang tinawag sya nung Pudra nya?? Waaa uuwi na sila?? Wala pa ngang 30 min. nung lumipat si GM ehh at saka 2nd quarter pa lang ng game! 9pm pa lang eh! Ang agap naman! Baka naman my gagawin lang sila sa bahay at kelangan lang nyang tumulong? Baka babalik din si GM? Sabagay wala naman ng kasunod tong game at siguro mga 30min. Na lang yan bago matapos. Pag wala pa sya pagkatapos nitong kanta naku aalis na ako. Bagay pa naman yung lyrics haha! gaia_kittenstar

"Sa bawat galaw napapatingin
Unti unting tinuturo ka sa akin
Sa bawat ngiti na may lambing
Ako'y unti unti mong pinapaibig

Katulad ka ng isang umagang may ngiti
Katulad ng hangin sa aki'y dumadampi
Na ako sayo'y maghihintay
Na ako sayo'y nag aabang
Katulad ng isang bata na umiibig


Sa bawat gabi may buwan man o wala
Ikaw ang nasa isip at panaginip
Sa bawat araw nais kang matanaw
Ang bilis ng oras pag ika'y kapiling"

O diba saktong sakto sa nararamdaman ko ngaun haha! Nyeee tapos na ung song, wala na hindi na siguro babalik si GM! Uuwi na ako!
Hay anu kaya magawa, ang daming stars oh! Lam ko na mag aabang na lang ulit ako ng shooting star! Ayan pede ako humiga dito sa sasakyan namin haha! Anu naman kaya ang magandang iwish?? WAAAAA! GRABE HA! Wala pa akong 1 minute dito sa pwesto ko ehh my dumaan agad shooting star! Tumatawa tuloy ako dito magisa haha! Ganda pa naman ng kanta "A thousand years" ni Christina Perri! Kalerki hindi nanaman ako naka wish tuloy! Mag antay ulit ako ng isa pa? Sige pag natapos itong "Love on Top" ni Beyonce saka ako papasok sa loob. Ayun!! Ay parang hinde naman yata kasi ambilis ehh. HALA alitaptap! Ahaha nakakatuwa naman napasabay pa talaga sa lyrics na " top top top" ung alitaptap haha! Anu ba yan wala pa din shooting star tapos na ung kanta! Pag ang kasunod na kanta ay slow, mamaya pa ako pasok, pag mabilis naman pasok na ako. Ay mabilis ! Pasok na talaga ako haha! Parang bata lang! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S. Bumili din akong palamig na my gulaman dun sa binilhan ni GM pagkauwi nila ng kapatid nya haha! Ang tabang nga eh!)






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum