Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Congratulations!~
User Image

May 17 2013

Congratulations



Omgee awarding na ngayon! This is it na talaga, last na to! Makapunta nga ng maagap kahit hindi ko alam kung anu oras ang start! Oh no bakit wala pang ilaw? Baka hindi ngayun ang awarding baka bukas pa? Ayun sakto! Kakabukas lang ng ilaw hahaa! Makapunta na daliiiiiiii! whee


Hala wala pa masyadong tao, ahhh, OMGEE si GM! Sakay ng kanyang motor at walang damit! Kaso, pauwi na sya kakatapos lang yata maglaro ng basketball! Dapat pala mas inagapan ko pa sayang! Hayss.. Wala naman ako makausap dito. Mamaya na lang kaya ako bumalik ang tagal ni GM ehhh.. Oo nga baka kakain pa sila ng dinner! eek

After 1 hour..


Hala dami ng tao! Omgee hindi ko makita si GM! Baka nandun sya sa kabilang side? May magsasayaw na! Hindi ko naman makita dito ng maayus! Makalipat nga ng pwesto. Ayan ok na kitang kita ko na dito. Asan kaya sya? naku hindi ko mahanap, aba Beyonce yung tugtog ng nagsasayaw haha! Parang gusto ko tuloy makisali dun! WaAaAa! Ayan na sya kasama ng kapatid nya! OMGEE! Sa lawak ng kalsada dito ka pa talaga dumaan sa harap ko! Haha bumibili sila sa tindahan nandito lang sa tabi ko!! Akala ko nandun sila sa kabila yun pala padating pa lang sila ! Ayus haha! Omgee ang lapit ulit nila grabeeeee! Sobrang saya ko naman haha akala ko last ko na sya makikita nung isang araw! 4laugh

Parehas sila magkapatid kumakain ng bubble gum haha! Halos magsing tangkad na sila kaunti na lang! OMGee kinig na kinig ko ang boses nya so gwapo talaga haha! Parang pinapakuha sya ng table kasi kani-kanilang table pala dito! Sa tagal ko na dito sa amin, ngaun lang ako naka attend ng awarding! Ganito pala hahaha! Sabi ni GM "anu un ako lang?" Parang sya lang daw daw magbuhat ng table edi samahan mo Bro! Dali kuhain nyu na ang table nyu at akoy makiki table sa inyu haha! Hays kelangan ko na sulitin ito kasi baka matagalan ko na ulit sya masulyapan ng ganito! Hala umalis na sila! Pumunta dun sa kabilang side huhu! Hindi ko na tuloy sya makita! cat_crying


Baka hinahanap nila yung mga kasama nila sa basketball? Hays sana bumalik na sila dito huhu. Makanuod na lang ng nagsasayaw! Aba Beyonce nanaman! Bentang benta ang mga kanta nya haha! At saka ang Gentleman ni Psy! Halaaaa dumaan ulit sila dito sa harap ko OMGee! Uuwi na sila?? Ang agap pa!! cat_burning_eyes


Baka kukuha sila ng table? Sana dito sila pumwesto sa harap ko hahaha! Ayan naaaa !! Nyeee wala namang dalang table?? May recruit lang na isang lalake. Waaa dun sila pumwesto sa gitna! Hindi ko tuloy sya makita tsk ang daming batang nakaharang! cat_confused


Nagbibigayan na ng award! Wooo ang saya naman haha mga kids division muna ang binibigyan. First pala ang Kamandag team! Hindi ko kasi napanuod ang huling game kaya hindi ko alam! Aba meron pang best 5 players at kasama si teenage boyfriend nya!! Magaling pala sya kaya siguro friendship sila ni GM haha. Ayan na sa junior division naman ! Aba teka si Pudra ni GM papunta dito! OMGEe kalapit ko lang haha! Waw kasali din sa best 5 si Chinoy! Kaso wala sya, sinu kaya magiging representative nya? Waaaa si GM ang pumunta! Haha buti na lang! Naka sando lang sya at naka shorts ! Hindi prepared! Aba 3rd ang team UK !! Akalain mo yun 3rd place pa haha. Yehey pumunta ulit sila sa gitna para magpicture. Palakpak naman ako dito kahit katabi ko lang Pudra ni GM! At 2nd ang Yale star samantalang first pala ang Mamas Boy! May magsasayaw nanaman ! Break muna sa pagbibigay ng award! Meron pang nag speech na nanalong councilor! cat_cool


Hays hindi ko na makita si GM ! Panu kasi nakaupo na sya edi natakluban na ng mga bata! Aba si Chinoy yun ah kasama si Mak! Haha binigay na siguro ni GM yung award nya. Ayan magbibigay na ulit ng award! Aba tama ba yung narinig ko? "Esguerra" daw! Ahhh yung kapatid nyang !l! Akala ko ay si GM na haha! WAW magaling din pala sya mag kuya nga sila! Award naman daw sa magaling sa 3 points! Omgee Im sure kasali si GM dyan! Bakit ibang name ang tinawag? Ahh sa kids division pala yun! OMGee!! tinawag nga ang name nya! woooo sobrang saya naman parang ako rin yung nanalo haha adik lang! Sabi na makakasama sya sa best in 3 points! Napanuod ko kaya lahat ng game nya at halos lahat ng nashoot nya eh 3 points haha! Galing galing nya talaga! Ang dami namang awards haha! Madami yata silang nalikom sa mga pulitiko! Waw meron ding most behave team! Aba yung team ng pinsan ng barkada ko na cute na bata haha! OMGee meron pang best in uniform! Sure na team UK sa junior division haha! O tamo sila nga! Naman pag hindi pa nila nakuha yun eh! Sila lang kaya ang my uniform pati haha! Yehey pumunta ulit sila sa gitna para picturan! cat_rofl


Unti unti ng nauubos ang mga trophies waAa! Matatapos na ang bigayan ng mga awards! Aba lahat ng sumayaw na grupo ngaun my trophy din! Sila na talaga! Hays hindi ko masyado makita si GM! Natatakluban ng pinsan ng barkada ko haha!! Kalahati lang ng muka tuloy nya ang kita ko at braso nya! Yey sumulyap naman sya dito kaya ok lang! emotion_kirakira


OMGee nag aalisan na yung iba! WaAa tumayo na din si GM at kapatid nya ! Paalis na sila ! Tumingin ka naman dito GM dali na oh kahit mabilis lang last na to! Hahaha! Ang bait mu talaga! Nababasa nya ba yung isip ko kasi tumingin sya dito !! Grabeee ayaw ko pang umalis baka bumalik pa sya? Eh nagsi alisan na din yung iba oh, kaunti na lang natira... pag wala pa din sya mga 10:30 alis nako. Doon ko na lang kaya sya antayin sa may kanto nila? Oo nga tapos dun na din ako dadaan pauwi! Teka my nalimutan pa daw bigyan ng award! Best stalker of the year goes to me!! Wala namang ibang aagaw ng award ko no hahaha!! Speech ba? Haha o sya eto ! emotion_dowant


"Parang kahapon lang simula ng makita ko sya sa digicam ng barkada ko.. Kasi ang crush ko talaga ay yung kapatid nya na hrm haha ang cute kasi ng dimple nun! Tapos ayun nga nakita ko sya sa picture last year nung nag Enchanted kingdom sila para dun sa tour ng isa pa nilang pinsan na dapat kasama din ako! kung my pera lang ako nun oh sayang! Nagkakilala na siguro kame nun! Tapos ayun tamang tama merong liga at kasali daw sya ! Kaya simula nun gabi gabi ko na din sya inaabangan at nung pumunta kame kasama ang DEKS ay nandun din sya! At lumapit pa samin at kinausap ang barkada ko!! First time ko sya makita na crush ko na sya! Pero dati nung nagaaral pa kame ay nakita ko na pala sya! Intrams yata nun sa gym ng school at andun din sila sa bleacher at sabi ng barkada ko ay kapatid sya nung crush ko na si JC! Na baliktad na ngaun kasi ang crush ko na ay si GM haha! emotion_kirakira


Salamat kay papa God kasi kahit sa kaunting panahon ay naranasan ko ang mainlove ng bonggang bongga na parang sa pelikula lang nangyayari! Sa committee na bumuo nitong liga ngayong summer na simulat sapul na pinanganak ako eh hindi ko pa malalaman ng ganito pala kasaya dito kung hindi ko pa susubaybayan si GM! Sa DEKS na kahit isang beses ay hindi man lang ako sinamahan! Haha pero kahit ganun ay todo suporta pa din naman sila sa akin! Sa lahat ng mga nakatabi at nakasama kong manuod , kahit hindi ko kau kilala. Wala lang salamat na din! At syempre sau GM. Kahit 1 year na simula ng makilala kita ay hindi ka pa rin nagbago. Nagbago ka pala kasi lalo kang gumwapo ngaun! At simula ng makilala kita ay palagi ka ng nasa panaginip ko kahit pagising ko ikaw pa din ang laman ng puso't isipan ko! At dahil sa pagiging best stalker ko, sa pag tingin ng mga bago mong pics sa fb, sa pagdaan sa bahay nyu ay hindi ko ineexpect na mas makikilala pa kita kahit papaano sa araw araw na pagsulyap ko sau simula ng nagkaroon ng liga! Ang tagal din nun halos 1 month na din akong tumayo ng solo gabi gabi 2~3 hours para lang makita kita! Kung anu anong experience ang hindi ko malilimutan talaga! Salamat dahil hindi ka natakot sakin (hindi nga ba?!) kasi palagi akong nakatingin sau na parang multo!! Kahit ganun ay napapaligaya mo ako ng sobra sobra ng hindi mo namamalayan. Sa bawat pag tingin mo sakin at pagtabi kahit kaunti or mabilisan lang ay parang palaging my dinamitang sasabog sa puso ko sa sobrang kaba na parang hihimatayin ako palagi! Maraming salamat talaga! Hinding hindi ko to malilimutan at patuloy kong maalala hanggang sa pagtanda natin. kahit magka asawa at anak at apo ka pa. Ikaw pa din ang magiging super duper crush ng buhay ko! Kasi naman iba talaga ang tama ko sau oh! Nasayo na yata ang lahat ng gusto ko! Kulang na lang ay ang puso ko! hahaha!" emotion_bigheart


Pwede na ba yung speech ko? Haha! Parang hindi na talaga sya babalik at 10:30 pm na! Makauwi na nga! Sabi nga nila this is not the end, this is just the beginning of something new, something better and I can't wait na mangyari na agad yun! Hanggang sa muling pagkikita natin GM! Baka bukas? Mamaya? Next year? Kung kelan man yun, I'm 110% sure na kikiligin pa din ako pag nangyari yun! emotion_bigheart emotion_kirakira emotion_bigheart

(p.s. yan yung trophy nila oh! tamang picture na lang haha! Pero daig ko pa din sila kasi hindi mapapantayan ng isang trophy ang ligaya at sayang naexperience ko kay GM!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum