Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Pustahan!
User Image


May 31 2013

PUSTAHAN


Haysss punta kaya akong court ngaun? Mag bike na lang ako? Sya nga dadaan na lang ako tapos pag nandun si GM paparada muna ako haha. Masilip nga muna! Ohh merong naka park na motor! Siguro may naglalaro dun! Baka nandun si GM! Naku ang iksi ng short ko makikita ang legs kong pangit! Palit muna ako haha! Ehhh tinatamad nako mag bike! tambay na lang ako dun sa may tindahan? Oo nga ganun n lang! Eto na naglalakad nako papunta court. Hala bakit my sumisigaw? Hala pinapagalitan nung lola yung apo ng magsisiomai haha! Ang lakas ng boses ih! Madadaanan kasi yung bahay nila bago makarating sa court! Hmmm.. Andyan kaya sya? Parang.. Parang si GM un ah nakasando! Ahaha sya nga! Kunwari hindi ko pa alam. Waw mga kids division ang naglalaro ! Haha mga naka tsinelas lang talaga. Ayun dun na lang ako sa bato uupo! pirate


Awww.. Hindi ko masyado kita si GM dito. Ok na rin para hindi obyus wahaha! Waaaa tumayo si GM! Lumipat ng pwesto dito sa may harap ko OMGee! Ay kita ko yung tahi nya sa braso! Haha hinahanap ko kasi yun nandun pala. Ngaun ko lang nakita kala ko kasi nawala na. Pag gabi hindi kasi kita haha. Aba tapos na agad laro ng mga bata? Sana maglaro sina GM may reason pa ako mag stay dito wahaha! Ayan umalis na yung mga bata nagsi inum na ng ice tubig! Ayan praktis praktis na sina GM! Ang pangit ng mp3 ko pang broken hearted! Gusto ko yung masaya! Malipat nga.. ayan pede na siguro to. Waaaa! Sayang naman! Tumalsik kasi dito yung bola hindi ko naman pinansin galing pala kay GM! Kung nakatingin sana ako ohh kinuha ko agad tapos pinasa ko sa kanyaaaaa!! OMGee!! Kainis naman! Yung bata lang tuloy kumuha sana ako na lang huhuuuu! cat_crying


Aba may dumating na mga boys! Hala maglalaro nga sila! Nagddecide na sila kung sinu ang mga kasali or hindi! Nagaabot ng P20 sila? May pustahan?? P60 lang daw dun sa dumating na mga boys. Pede na daw yun pang softdrinks! Wahaha maglalaro nga si GM! Swerte ko naman ngaun! Buti na lang hindi ko na dinala yung bike kasi wala akong mappwestuhan ng maganda. Mga naka tsinelas lang talaga sila haha. Yung iba nakatapak pa. Ay nagsisimula na pala sila. Ang hirap naman pag wala referee wala pumipito haha. At saka sila sila lang nagsasabi kung foul o hinde. Ayan na kay GM ang bola! Finorward nya! Kaso sablay pa! Napamura tuloy sya haha kasi hindi pa nya nashoot eh wala ngang humarang sa kanya! cat_blaugh


According to my observation.. Etong si GM ay hindi sya pang forward at yung papasok sa gitna habang drible then shoot! Most of the time if may mga nakaharang sa pag shoot nya ng long distance pinapasa nya sa kasama nya. Pero pag wala naman nakaharang nasshoot nya talaga or muntikan na kaya pag nasa kanya bola todo depensa ang kalaban sa kanya kasi alam nila yun ang strength ni GM haha! Pero iba scoring pala pag mga ganitong street game lang. 1-10 lang talos walang 2 or 3 pts basta pag nashoot ang bola 1 pt na yun kaya mas maige kung malapitan na ishoot yung bola para sure points na sa kanila! Kaya para sakin ang ganitong game ay hindi masyado pabor kay GM kasi hindi masyado napapasa sa kanya dahil kahit mashoot nya ng malayo eh hinde 3 pts yun kundi 1 pt pa din kaya mas mabuti ipasa dun sa magaling mag forward pero kung ako kateam nya, kay GM ko lang ipapasa palagi at hindi ko ipapasa sa iba naming ka team hahahaa!! Hindi ko din maintindihan ang score nila kasi pag lumampas na ng 10 bumabalik na ulit sa 1 ! Hindi ko nga lang sure kung 11 na yun pataas or balik talaga sa 1 pero sa ngayun mas lamang ang kalaban nila! Panu ang galing kasi nitong si parang merman ang ibig sabihin ng apiliyido ! Kala ko nga kakampi nila kalaban pala! Kahit saang anggulo mo ilagay palagi nasshhoot! At palagi nya ginagwardyahan si GM kaya hindi mapasa sa kanya hmp! emotion_donotwant


O hala break muna mga pagoda na sila at napunta pa ang bola sa loob ng garden ng kapilya eh sarado pa naman ang gate haha! Yung batang kapatid yata nung palagi nanghihiram ng cp kay GM ang umakyat at kumuha! Hala my lumulutang na uod na green na maliit ! Baka mamaya nasa muka ko na to! Makaalis muna dito yiyks! O may dumaan pang may bagong scooter kaya ininterview pa nila haha. Tinesting pa ni mr siomai ang scooter at umangkas pa ang anak nya. Ayan na natuloy din ang game. O hala napalitan yung ibang member ng kalaban may pupuntahan yata. Anyare ?? Nagtatalo na sila sa score. Kanina pa tong si green boy kasi green shirt nya na complain ng complain! Anu ba wag kang ganyan at kateam mo si GM! Baka masira ang image nya haha! Etong si Merman nagagalit na din kasi nga kelan daw naging all 3 ang score eh mas lamang naman sila kanina? Ay ewan sa inyu.. Pumayag na din si Merman na 5-3 na score, 5 sina GM at 3 sila. Hindi ko na nga alam kung ilan yan eh pero kanina parang 25-34 na kung iaadd mo lahat bago sila mag break. Nakakalito ang game nila haha! Puro reklamo kung foul o hinde, shoot o hinde. Pero ngayun nabaliktad na mas madami ng nasshoot ang team nina GM! Bumaba n siguro ang energy ni Merman sa karereklamo ni Greenboy kaya hindi na sya nakakashoot! At yung dalwang magkuya sa team ni Merman na sisihan ng sisihan sa isat isa haha. Etong team kasi na kalaban nila mukang hindi mga taga dito kasi ngayun ko lang sila nakita. Hindi katulad ng team nina GM na familiar na ang mga pes! Oh hala nakayapak na din pala si GM! Masusugatan ang feet nya noooo! Parang d ko kaya mqtatakbo ng nakayapak! Pero baka mas nahihirapan sya pag naka tsinelas! Ayun naka shoot sya haha! Para ngang mas madali pag nakayapak! emotion_dowant


Hindi ko na alam kung sinu ang nangunguna sa score. nagbreak nanaman sila. Ay sayng dito dapat bibili si GM ng ice tubig kaso may mga lalaking kpop na nakaharang at bumibili din! Sayang naman! Dun tuloy sya bumili sa kabilang kanto na may tindahan huhu. Ay kainggit naman yung kateam nya nagshare sila sa ice tubig waaa! Tinapon na nung kateam nya oh sayng akin na lang sana kaso ayaw ko nga may kashare kay GM hahaha! emotion_awesome


Magsisimula na ulit sila! Nakatapak nanaman sya! Dumidilim na pati! Anu na bang score? Parang mas mataas na sina GM? O hala bakit nagtatakbuhan na sila at todo depensa ang isat isa? Parang kung sinu ang maka shoot sila na ang panalo? At pinasa kay Greenboy ang bola at isshoot nya! Ayun shoot! Tapos na ang game? Sinu winner? Sina GM yata? Kinukuha na yung napagpustahang pera dun sa vault nila na motor nung isang kateam ni GM haha. Ay ang cute lang ni GM! Yung muka nya kasi na pagod na banas na ngiti tapos napatingin dito haha. Ay dun sila bibili sa kabilang tindahan?? Bakit dun pa dito na lang sana oh! Pang softdrinks lang pala nila yung napagpustahan nila yanu. Makauwi na nga ang dilim na din naman aalis na din siguro sila maya maya! Aba ngaun ko na lang ulit pala nakita at nasulyapan ng ganito katagal si GM after ilang weeks ah!! Bukas kaya maglalaro ulit sila? Sana haha!! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


(P.S. ngaun ko lang nakita si GM na ganyang shorts ang suot! M0st of the time kasi ay pang basketball shorts suot nya haha! Naka belt pa yan o diba alam na alam ko talaga!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum