Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Nakakagulat!
User Image



Online sya kanina sa FB!! Hindi naman ako nireplyan hmp! mag 5:30 na pala!! OMGee! I think wala naman sya sa court today kasi alam ko ay ngaun ang alis nila papuntang subic!! Pero kahit ganun ay magbbike pa rin ako at dadaan sa bahay nila hahaha!! Ang dami naman naka motor today na nakakasalubong ko! Naiisip ko tuloy si GM ! Waw mangga! Nangunguha sila ng mangga sa gitna ng kalsada! Panu pag nabagsakan kami anu gagawin nyu?! May pambayad ba kayo pang paospital ?! Hahaha ospital agad?! Para mangga lang! At hindi na ngaun lobat ang CP ko kaya enjoy na enjoy ko talaga ang pagbbike ko! At nandito na ako sa may kanto ng bahay nina Lamae at palagi ko sinisilip kung may tao at baka andun si GM haha! Minsan kasi andun sya eh kasama si Mak! Anyways bukas na pala ulit itong tindahan ng masarap at malaki na very affordable burger! kahapon pala eh nakita ko si Kevin bumibili dito haha! At ngayun naman ay ang Tito ng barkada ko nagbigay ng salubong sa kanya! Sa kanya lang talaga ha wala si Mak haha ! emotion_dowant


At grabe langs ha kasi pag nandito na ako sa may part na to palagi ko nakakasalubong si Mak! Sa dami ng oras at panahon palagi lang kami nagkakasalubong dito haha! Hindi naman palagi pero maraming beses na. At pag nakikita ko si Mak si GM agad naiisip ko at baka kasama nya ! Pero iba naman mga kasama nya mga barkada nya! I know! It is so dissapointing talaga! OMGee si Mak yata yung naka motor na blue na makakasalubog ko ?! emotion_jawdrop


HAhahaa tingan mo nga naman kakasabi ko lang na nakakasalubong ko sya dito eh! OH NOOOOOOOOOOO!!! SI GM !! SI GM NASA LIKOD NYA NAKA MOTOR DIN!!! THIS IS SOOOOOOOOOOOOOOOOOOO UNEXPECTED!! OMGee nakatingin pa sakin SHOCCCCCCCCKSS!!! Parang nag slow mo lang ang pagbbike ko at pag momotor nila!! AT hindi naman ako pede makatingin sa kanya ng matagal kasi baka masemplang ako nakakahiya!! Grabe !! Napahinto talaga ako sa pagbbike ng makalampas na sila!! AS IN WALA TALAGA SA ISIP KO NA MAKIKITA KO SYA NGAUN!! Kasi nga alam ko eh baka umalis na sila pa Subic! Grabe lang talaga!! I'm still gulat and so kilig at the same time haha! Feeling ko ang pangit ko tuloy !! Pucho pucho lang kasi ang suot ko ngaun kasi nga hindi ko talaga eto ineexpect ng bonggang bongga! emotion_kirakira


This is really a new experience again! Ewan ko lang ha baka OA lang ako pero palagi na lang pag hindi ko ineexpect na makikita sya bigla naman sya lumilitaw at pag ineexpect ko naman sya na makita, hindi ko naman sya nakikita! Nakakalerki lang ha hahaa! Napa isang ikot pa ulit ako hanggang mansion lang kasi nga hindi ako maka get over hahaha! OMGee my motor na pababa!! Ayaw ko na makita ulit ako kaya binilisan ko talaga ang takbo pauwi!! Nyeee bakit ayaw ko na magpakita?? haha! Anu ba yan!! Dahil wala sya bukas at sa Sunday pa ang dating ay magaantay na lamang ako ng mga pictures nyaa!! Waaa nakaka excite naman yun! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


(P.S. ang ganda ng langit kanina parang lalabas ung araw dun sa clouds haha!)






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum