Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Hinahanap kita!
User Image


June 13 2013


Hinahanap kita!




Dahil hapon na alam na kung san ako pupunta!! Hahaha pero dumaan muna ako sa shop ng Kuya ko kasi flat ang gulong ng biko ko!! At sabi nya ipabomba ko nga daw ang gulong at P5 lang daw kaya humingin ako sa kanya haha ayun binigyan naman ako! Alam ko na nakita ko ang ang sign na yun ehh hindi ko lang matandaan kung saang kalsada kung sa dulo or dun sa kabila?? Super flat na ba ang gulong ko? Tingan ko nga ang likod.. Oo nga ano super flat na! OMGee!!! emotion_jawdrop


Habang tinitingan ko ang gulong sa likod ko ay napatingin ako sa nagmomotor! At OMGee talaga!! Sinung magaakala na makikita ko sya agad agad! Si GM !! Si GM pala ay nasa likod ko habang nagbbike ako ! Grabe lang haa!!! Sobrang wala sa isip ko na makikita ko sya at sa likod ko pa ha!! Sakto pa na paliko na sya doon sa may waiting shed na papuntang court!! Nakakalerki lang! hahaha kaya dumeretso pa din ako at hinanap ko kung saan yung Vulcanizing shop! At dumeretso ako dun sa kabilang kalsada kaso hindi ko makita! Eh sakto pa paliko sa bahay nina GM ang daan!! At OMGee!! Andun si GM!! Napatigil pa ako kasi my jeep na nakaharang nagaantay ng pasahero! Akala ko ay ipapasok na nya ang motor nya , un pala paalis pa lang sya at naghhelmet!! Napatingin pa sya sakin OMGee!!!!!!!!! emotion_kirakira


Grabeeeeeeeeeeeee!! Sobrang saya naman haha! Sumilip ulit ako sa likod ko at nakita ko si GM na dumeretso na dun sa kabilang daan mukang may lakad! Hindi ko pa din makita ang vulcanizing shop kaya bumalik ako sa shop at tinanung ko sa Kuya ko kung saang banda ba yung vulcanizing shop!! At alam ko na kung saan nadaan ko na pala kanina pa!! Ayun nabombahan din ang gulong haha! Matigas na ulit sya! Buti na lang at hinanap ko pa ang shop kasi ang balak ko ay iikot muna ako sa may mansion tapos deretso sa court! Buti na lang talaga kasi iba ang nahanap ko, si GM !! Na nasa likod ko lang woooo!!~ emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


(P.S binalikan ko pang ang signage ng Vulcanazing shop para picturan haha! Nakatingin tuloy sa akin yung isang lalaki dun na nakatambay!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum