Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Panindigan Mo!

User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.
October 2, 2013

Panindigan Mo!


so i went to the husgado to deliver a document and then nung pabalik na me at pasakay na ng tricycle, ayaw ako pasakayin ng P8 lang ang bayad. P20 daw!! Haller ang lapit lang nun eh! Muka nya! Kaya naghanap ulit me ng bago. At ayaw pa din ng P8, P10 daw. At naka 3 na yata akong tricycle at ayaw pa din nila. Pinagtatawnan na ako nung mga tric. drivers kasi malapit lng ako sa pila nila at wala nga ako makuhang tric. Sabi pa nung isa di bale na maubusan ng gasolina kesa mag bayad ako ng P8! Nakakalerki sila! Eh sakto lang ang dinala ko P16. Actually nung pagdating ko nga ng husgado kanina eh sinisingil ako ni manong ng P10 kasi P8 lang binayad ko eh kulang talaga yung dala ko kaya dedma na lng kunwari hindi ko narinig gawa ng earphone ko xd .

Kaya naglakad na lang ako ng kaunti palayo dun sa mga evil tric. drivers na yun, mga kaunting lakad lang at my nakasalubong akong tricycle ulit at nung sinabi kong P8 lang ibabayad ko eh tumungo sya. Kaya nagulat ako kaya inulit ko ulit na P8 lang ang ibabayad ko at pumayag nga si manong! At sumakay na ako, sakto pa na ang daan ay doon sa may mga evil tric. drivers at nung dumaan na kami ay TINAWANAN KO SILA na parang nang aasar na ngiti!! HAHAHAHHA! cat_twisted

Kala nila hindi ako makakasakay ng P8 lang ha! Eat that sampal sa face ! emotion_dowant
Ang sarap lang sa feeling na kapag nagtiwala ka sa sarili mo at pinandigan mo yung pananaw mo eh talagang mapapahiya sila! Waw ang deep! Para lang sa P8 na pamasahe haha! emotion_yatta

At sayang lumiko agad yung tricycle na sinakyan ko kasi hindi kami naka daan sa tindahan nina GM!! Miss ko na sya! hahaaha!~ emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


(P.S. Hindi na lang nila gayahin etong si Manong sa picture na high-tech ang tricycle kasi meron pang libreng nood ng pinaka latest music videos international at local habang nagbbiyahe ka hahaha!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum