Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Goodbye Heat

User Image
November 24 2013

Goodbye Heat!~


Pumunta kaming Veterinarian upang si Sugar ay ipa Spay na! Kasi naman gabi gabi na lang hindi kami makatulog at kelangan ko pa sya ikulong sa kwarto para lang hindi na ulit sya ma preggy ng pangit na pusa sa labas! Kaya ngayon ay pina opera na namin sya! Habang nasa sasakyan na kami ay takot na takot si Sugar at meow ng meow kasi first time lang nya makasakay ng car! So banong bano sya haha! Akala nya siguro ililigaw na sya! Tapos ayun nakarating na kami hanggang sa dinala na sya sa mini operating room. Hindi ko naman ineexpect na bahay pala yung clinic at iniisip ko ay yung normal na clinic sa mga tao. Buti na lang wala pang ibang pasyente at kami ang kaunahan. cat_3nodding

Tinurukan na si Sugar ng pang patulog yata yun. Hanggang sa nilabas na sya doon sa kulungan at hindi na sya nakakagalaw at tinali yung kanyang mga paa at ibinaliktad. Pede mo naman silipin yung pag opera kaso ayaw ko hanggang dun lang ako sa labas. Maya maya ay my dumating na babae at lalake my dalang aso. Tapos chineck ni Dok ung dog nila at ipinasok din doon sa mini operating room. Siguro mga 15 min. na kausap yung may ari ng dog at wala daw gana kumain. Habang sila ay nag-uusap si Sugar ay nakabaliktad pa din at nakapikit. Kinabahan naman ako at baka kung ano mangyari sa kanya kasi baka my binuksan na yung katawan nya kasi diba tatanggalin na yung ovaries eh baka my pumasok dun na mga virus or insect! Maya maya ay inilabas na din yung dog at naiwan na lang si Sugar mag-isa habang binibigyan ng reseta yung owner ng dog. Bumalik na ulit si Dok kay Sugar at sumilip naman si Kuya ko. Biglang sabi ni Dok "Bakit hindi na to nahinga??" cat_gonk

OMGEE!!! ANyare?! Sobrang gulat ko talaga at nakita ko ay nakalawit na yung dila ni Sugar!! HALA DEDO NA?! NOOOOOOOOOO!! Si Dok ay kinuha yung stethoscope at tinitingan kung nahinga pa si Sugar! Parang sasabog na yung puso ko sa kaba ! Kung ano ano na ang pumasok sa isip ko! Paano na si Ice! Sana pala hindi ko na lang pina opera si Sugar para hindi na lang sya namatay! Mga ganun nasa isip ko! Pero kita ko naman na nahinga pa si Sugar! At maya maya my tinanung nanaman yung owner ng dog at lumabas nanaman si Dok. Ang tagal nanaman mga 5min. na! Sabi ko dun sa assistant "Kuya yung pusa ko!?" tapos sabi nya lang "ok lang yun". OK LANG?! Grabe naman kakasabi lang hindi na humihinga tapos ok lang? Nakakaloka! Buti na lang at umalis na yung aso at owner nya! At ayun nakita ko na hindi na nakalawit yung dila ni Sugar! Lumabas muna ako para hindi ko makita yung nangyayari sa loob. cat_crying

after 30 min. siguro ay my dumating nanaman na bagong customer. Pero yung assistant na ni Dok ang nag asikaso sa kanila! Buti naman! At maya maya lamang ay nakinig ko na tinatanung si Dok kung ano ginawa doon sa pusa. Paglingon ko ay nilalagay na si Sugar sa kulungan nya. Gising naman si Sugar at hilong hilo pa. Binigyan na din ako ng gamot ni Dok at kelangan ko ipainum kay Sugar yun kasabay ng pagkain nya once a day. 7 pieces na capsule. Ihiwalay ko daw muna si Ice kay Sugar at baka guluhin si Sugar eh matanggal yung bandage at baka bumuka yung tahi. Lumayas na kami pagka bayad. cat_stressed

Sobrang groggy ni Sugar tapos yung mata nya parang naka drugs lang haha! Tapos parang nahihilo sya at parang gusto umalis dun sa kulungan kaya nilabas ko na lang sya muna at inilagay sa kwarto. Parang lasing maglakad kapag tumatayo at natutumba! Nakita ni Ice yung Mommy nya at walang ka idea na bagong opera lang si Sugar kaya gusto agad dumede eh bawal nga kaya hiniwalay ko muna sya. cat_razz

Hays buti naman at ok na etong si Sugar! Yehey wala ng maingay pag gabi! Hindi ko na rin sya kelangan ikulong sa kwarto ko ! At hindi na ako mammroblema na mabubuntis si Sugar! Pero 1-2 weeks pa ang recovery nya kaya babantayan ko pa waaaaaa!! Goodbye Heat!! gaia_angelleft gaia_kittenstar gaia_angelright






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum