Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Eksena kagabi
Bilis late na ako sa papanuorin ko!! Naku 7:45 na late na talaga ako! kaainis naman! nag commercial na! gonk adik kasi mag computer sa shop ehh haha! Nakita pa ako ng kuya ako pero hindi daw sya sure kung ako un kasi ambilis daw ng takbo ng bike!! HAHA ako nga un hmp! rofl Makapunta na nga lang sa basketball court at baka naglalaro na sina GM OMGee!! Baka sila ngaun ang maglalaro !! 4laugh

Bike na lang ulit ako, naka bike pa?? cat_whee Ang lapit lapit lang eh! Ayan na my naglalaro na yata! WAAAA!! Anyare?? Bakit bigla namatay ung ilaw?? cat_surprised Dumating lang ako ehh! Hala hindi ko tuloy makita ang mga tao ! Asan si GM?! shocks my tugtog naman pero walang ilaw! Tagal naman magkailaw gusto ko na makita si GM arggh!! Hay sa wakas!! Nagkailaw din! Liwanag naman!!~ cat_xd

HALAAAA!!! Ung pinsan nya un nasa court ah !! Sila na yata ang mga players waaaaa!!! emotion_jawdrop Pero bakit iba ung mga kateam nila?? Ay hindi pala sila un, kalerki kala ko sila na, kahawig lang pala nung pinsan !! emotion_dowant Teka hanapin agad si GM dali! Hmmm silip silip, unti yata ng tao ngaun ahh, teka teka un na baa?? Sya na ngaaa!! emotion_kirakira OMGee nakasando nanaman waaa!! KINIKILIG NANAMAN AKOOO GRABIIIIIIIII!!! emotion_bigheart cute cute nya talaga oh my gosh I am so gonna die naaaa!! emotion_kirakira Ay teka parang my tumatawag sakin?? Oh noo ung pamangkin ko tawag ako! Hala tinatanung ako kung sinu kasama ko?? Solo mode lang hahahaa, kwento kwento na napanuod ko sila kagabi!! emotion_yatta Teka ayan na mag sstart lang pala ang game haha!! Hays ang hirap naman makapwesto para masilip si GM! Nakaharang naman etong tricycle na to! emotion_donotwant Buti na lang pede yumuko ng kaunti haha! Ayan tama na tong pwesto ko kitang kita ko sya weeeee~ kahit anung gawin nya talaga oh ang cute nya ! Ahaha ang kiri ko grabi~ naku baka mahalata nung pamangkin ko hindi ako nanunuod ng game !! Tingin muna sa basketball hahaaha~ emotion_awesome

Break muna ang mga players!! Oh shocks hindi ko masyado marining mp3 ko, lakasan ko muna ang sounds ko naku, ayan na kinig ko na. HALA NASAN NA SYA?!! emotion_jawdrop Hindi ko makita!! UMUWI NA YATA WAAA?! Pag wala na sya naku uuwi na din ako no! sya lang naman habol ko dito eh kaya ako pumunta huhu ayan kasi kung anu anu gingwa nawala tuloy sya! emotion_drool hanapin natin dali!! ay aun!! Nasa kabila lang pala weeeew, kala ko umuwi na ehh! emotion_8c Kita ko parin dito sa pwesto ko sa butas ng metal grills hahaha, naku baka dun na sya manuod ang layo naman nya huhu. emotion_facepalm Ayan na aalis na sya, babalik na yata sya? Ehhh tumigil pa dun, lahat na lang yata friends ni GM ! Lahat na lang kinakausap nya! Friendly nya siguro ahihi! bait bait pa! emotion_kirakira Ayan buti naman bumalik na sya sa pwesto nya. Hala grabi naman etong nag sscore! Ayaw naman nya idisplay ang katawan nya ha, naka boxers lang grabi! KUYA IKAW NA MAGANDANG KATAWAN! Pero kelangan talaga nakahubad? Kalerki lang ha! Anyways mas cute pa din si GM no hahaha! emotion_dealwithit

Hays ok lang maubos time ko oh nakatingin lang naman ako sa kanya. At saka wala naman akong gagawin sa bahay. Baka mag computer lang ako at 10:30pm pa ung papanuorin ko na replay ng Fairy Tail sa animax haaaha. emotion_awesome Ang saya saya naman nitong mga bata ang kukulit! Habulan ng habulan! Buti pa sila walang problema! Sarap maging bata ulit! Nawawala tuloy ang focus ko kay GM! May mga maiingay pa sa likod kong mga teen boys. Ay anu daw?? "Ate peram ng bike" ?? ATE?? ako?! emotion_puke HAHAHA Kalerki naman eto, medyo madilim kasi ayan tuloy naloko ko sila haha! emotion_dowant Nginitian ko na lang hahha! TEka asan na si GM?!

Haysss aun ! ang cute cute nya talaga hahayss!! Sana ako na lang ung mga katabi nya oh aun oh pede din naman akong umupo dun para katabi ko sya ahihi. emotion_kirakira Teka bakit parang tumitingin din sya sa pwesto ko?? OMGee wag mo akong dadaainin sa pasulyap sulyap ng ganyan GM dahil hindi mo alam kung panu mo ko napapakilig Yieeeeeeeeek!! cat_4laugh Baka naman iba ung tinitingan nya?? Nakatago na nga ako dito sa tricycle oh at saka wala naman tao sa likod ko! cat_surprised Naku GM ha ikaw ha aminin mo my lihim na pagtingin ka na din sakin?! AHAHAH sana nga no!! cat_rofl Alam nya kaya tumitingin ako sa kanya?? Kung ako naman un hindi ko mahahalata kasi ang dami daming tao kayaaa at hindi rin naman ako titingin sa isang taong hindi naman cute! HAHAHA! Ibig sabihin cute ako?? OMGEE feelingera!! cat_mrgreen Pero hindi nga bakit kaya napapatingin din sya? Siguro sa loob ng 1 year na un namukaan nya na kaya ako? Sa simbahan? Sa mall? sa tuwing makikita ko sya?? cat_rolleyes Hmmm, kilala nya kaya ako na barkada ni Lamae na pinsan nya?? Pero hindi pa naman nya ako nakikita sa bahay nila eh! Siguro indi, pero baka oo din?? Sa mga pictures hala!! pero wala naman siguro syang paki dun? cat_xp I just wish na lang ano hahaha sana tapos tapos maisip nya WAW ang sipag sipag naman nito para lang makita ako talagang pumupunta gabi gabi ha! emotion_kirakira

Haha saya mag imagine! Pero parang imagine na lang ako palagi?? Alam mo ung feeling na ayan na sya ang lapit lapit nya pero parang ang layo ?? So close but yet so far! Wow gumaganun?! emotion_awesome I've never been so kilig in my life talaga ever! As far as I remember, last kong kilig ay sa mga koreanovela at anime lang na napapanuod ko at dun sa kalaro ko online na hindi ko naman nakikita! emotion_drool pero iba talaga pag yung nararamandaman mo na sa totoong tao no? I mean ung nakikita mo talaga! OMGee ano eto! I think I'm super duper uber inlove na with GM! Woooot hindi pa ba obyus un teh? Ahaha 1 year na akong inlove sa kanya pero hanggang tingin lang naman, 1 year ng inlove sa tingin? HAHAHA! emotion_kirakira

At tie na ang laban! 41 41 ang score! Updated din naman ako sa game kahit papaano ano haha!! emotion_awesome Parehas naman magaling eh! Break nanaman, teka tumayo na si GM! Hala aalis na sya? Ay ayun lumayas na nga at nakita pa nya ung pinsan nya sabay na yata sila pauwi! emotion_0A0 Sundan ko kaya! Kaso baka makita ako! Sa kabila na lang ako daan ahihi! Alis na din ako dito wala nanaman sya eh hahaha! Silipin ko lang sa kabilang kalsada para sa pahuling sulyap! Naku uuuwi na talaga siguro un! emotion_zzz

Sulit nanaman ang isang gabi ng basketball game! Este ang pasulyap sulyap ko kay GM hahaha! emotion_kirakira Ginagawa ko ng diary eto anu ba! But I'm sooooo thankful pa din kahit ganito lang diba, at least naeexperience ko naman ang mga ganito ! Maiba lang sa araw araw na ginagawa ni papa God, ang gingagawa ko mag facebook, maglaro ng games, at ngaun... mainlove ng bonggang bongga!! kay GM! Kahit sa patingin tingin at pasulyap sulyap lang HAHA! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart




heart PLS SUBSRIBE TO MY VLOG THANKS! heart
heart




 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum