Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Fairy tale that came true!
today something happened that I can never ever imagine that it will happen!!

Dreams do come true!

Hay sa wakas nakalabas din kasama ang DEKS! Habang kumakain ng halo halo at nakatambay sa labas ay my dumaang motor! Sabi ko parang si GM un ah kasi for registration ung scooter tapos kulay black!! Eh nakatalikod kasi kaya hindi kami sure at may angkas na girlalu so sana nga hindi sya un hahaa. Habang busy sa kwentuhan maya maya sabi ni Lamae "ah si Mak un ah!" OMGee hindi lang si Mak ang nakita namin dahil kasama nya si GM at gamit nila ang bagong bagong scooter !!!! Nakashades pa grabeeee!! OMGee talaga parang si Miggy lang ng It takes a man and a woman haha! emotion_kirakira

Nang matapos na kami magkwentuhan ng DEKS, dumeretso muna ako sa court ! 8:30 na din un ng gabi! Hmm nandito kaya sya?? Hanap hanap... ahhh... aun !! Aba katabi pa nya si Carl ahhh ung kapatid nya! Haha talaga naman kilala ko na yata buong angkan nila ehh yanu! Haaa may palatandaan na ako sa kanya! Ung baller nya sa braso na color white! Palagi nya yata suot un eh haha! Kalahati na ng game agad! Naku matatapos na huhu, ok lang nakita ko naman si GM eh hahaha! Alisan na tuloy, bbye GM! Bukas ulit ha, aba my kausap pa sa phone baka ung jowa nya. HALA!!! Tumingin sya sakin waaaaa!! As in bago maharangan ng puno ung muka nya kasi naglalakad na sila pauwi!! Ahahaha ang saya naman !! Sulit ang 30min. na tambay haha!! Makauwi na nga!! emotion_yatta


Kinabukasan


Natapos din manuod ng fairy tail! 8pm na! Makapunta na ng court wooot at sana andun si GM hahaha!!
Ohh hala magsstart pa lang ahh sakto pala dating ko eh! Teka haanapin ko ulit si GM ahihi. Aba wala dun sa pwesto nya! Asan kaya un! Naku wala yata sya! Uuwi na lang ako anu be yen! Teka, ay ayun !! Naharangan pala nung mamah!! Si manong naman kasi nakahara, hindi ko tuloy sya makita ng bongga!! Makalipat nga ng pwesto !! Ay anu ba yan likod lang kita ko!! Nahaharangan pa din nung mga boys waaa! Tsk kinakagat pa ako ng lamok anu ba yan! Hala, magyyosi pa etong mga lintik na!! Magiinum pa!! Hay naman ang malas talaga, eh kasi naman tindahan un teh! alangan marami talaga tatambay dun! HAys balik na lang ulit ako dun sa gilid tuloy!! Hindi ko masyado makita talaga huhu, ang kati na ng legs ko! Pinapapak na yata ako ahhh, anu na ba nangyari sa laban?? Hindi ko na pati maintindhan at hindi ako makafocus kay GM! emotion_0A0

Hala andyan pa ung pamangkin ko at gf nya! HAla bakit andun din ung pinsan ko at ung anak nya??? Manunuod din sila? tsk anu ba yan hindi tuloy ako makakalingon masyado kay GM kasi medyo malapit din sila dun! Baka makita ako waaa!! Makatago dito sa may tricycle para hindi ako makita!
Hay GM, kung alam mo lang kung gaano ako nagpapakahirap makita ka lang gabi gabi ahahaa!! Sinung shunga!? Hahahaa, Kinikilig na ako makita ka lang yiiiiiiiiiiiiiee!! AY hala nakita nya na ako!! Shocks!! Hala tumitingin din sya dito ?? Sa pwesto ko ?? HALA!! I AM SO GONNA DIE NAA!!! OMGee what's the meaning of this !! Hala talaga !! emotion_facepalm

Ayayayay! Teka tapos na ang game! May kasunod pa ?? Aba ung pamangkin ko pala ang maglalaro !! Kaya naman pala andyan ang family nya! GO go go kayang kaya nyu yang mga yan!! Teka tingin muna ulit ako kay GM haahaha, ang dami ng umalis oh at nawawala na din ung mga nakaharang kay GM! Hahaha, ay tumayo pa sya... HALAA!!! Tumingin nanaman sa pwesto ko!! I AM SO GONNA DIE NA TALAGA WAAAA super duper kilig!!! Ang tagal nun mga 3 seconds yata kaming nagkakatitigan OMGee OMgee Omgeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!! Anu toooo grabeeee, pede na talaga akong mamatay grabe kung pede ko lang isigaw ang kilig ko ohh kaso baka mawindang ung mga katabi ko hahaa! Ang hirap naman kiligin ng walang kasama !! Wala akong makurot or mahampas haha!! Makatingin nga muna sa langit, aba daming stars ngaun ahhh... parang my gumagalaw sa langit... emotion_jawdrop

OMGEE!!! SHOOTING STAR !! THIS CAN'T BE HAPPENING! Hindi pa nga ako makamove on sa titig ni GM tapos my dumaan pang shooting star?! OH EM GEEEEEEE TALAGAAA!!! Akala ko sa mga panagnip or pelikula lang ito nangyayari eh?! Grabi !! Sobrang x 1 million happiness ang naffeel ko ngaun talagaa!! Kasi nmn pag nakakakita ako talaga ng shooting star sa langit kinikilig ako ! Hindi ko nga alam pero natutuwa talaga ako sa mga stars! mag astronaut na lang kaya ako no! Alam mo ung ngiti hanggang langit talaga hahaha!! Tapos pagsamahin ba naman ang titig ni GM at shooting star sa iisang gabi?! WAAAAAAAA!! Hindi na nga ako nakapag wish kasi naman nangyayari na ngaun ung iwiwish ko haha! Ako na yata ang pinaka kilig na nilalang ngaung gabi na to!!! Ung sigaw at tuwa ko talaga oh sa isip ko lang hahaha! Sasabog na ung puso ko grabi overjoyed much!! <3 emotion_kirakira

Hayyss wait lang, hindi pa din ako makamove on hahaha!! Eto na ang saya wala na syang katabi woot!! Kitang kita ko ang cute nyang face at nakasakay nanaman sa scooter nya haha! Aba teka si Jonathan at Chad un ah!! Magbabarkada pala sila?? waw, sabagay palagi sila magkakasama sa computer shop, anyways ganda na ng pwesto ko dito oh kitang kita ko talaga si GM! Hahaha, aba may kausap nanaman sya sa phone! Baka jowa nya un ?? Ok lang kausap nya eh malayo naman sya, eh ako ayan oh ilang dipa na lang katabi ko na sya hahaha!! cat_4laugh
Ayan na mag start na ang game! Aba magaling ang laban ngaun ahhh, parehas magaling ang dalawang team!! Dikit ang laban!! Hala my dumating na lalake sa tabi ni GM! Naku naman wag ka na po dyan manuod doon na lang sa kabila oh para hindi ka nakaharang kay GM!! Ayun umalis din hahaha! Narinig yata ako! Hala eto namang si Jonathan minove pa ang motor nya! Sa tabi pa ni GM! Kaasar naman!! Naku oh sa tabi pa talaga nyaaa!! Hindi ko na tuloy makita ! KAkainis ka Jonathan !! Tingin din ng tingin sakin baka akala nya sya ang tinitingan ko?? no way!! Lipat nga ako sa likod baka makita ko dun. Ayyy hindi pa din huhu, pangit talaga ng pwesto ko ulit. Ang dami ko na yatang pantal sa legs ahh, time out daw muna ung game, tingin muna ako kay GM ahihi! HALA!! Tumingin ulit syaaaaaaa!! At ung ulo nya effort pa talaga pag lingon para makita ako? Hala ahahaha!! Sana nga ako ung tinitingan nya waaaa!! cat_rofl

Bilangin ko kaya kung ilang beses titingin si GM dito ahihi, sa tuwing time out, o kaya masshoot ung bola! Nagkakatitigan talaga kami grabi! Wala nman syang ibang titingan dito sa pwesto ko ehhh, merong dalawang bata na naka bike, tapos tricycle kami lang naman waaa! Hahaha baka naman naduduling lang ako?? O kaya naiimagine ko lang to?? Naku hindi!~ totoo talaga to!! Masaya na nga ako ng sobra sobra pag nakikita ko sya pero ung tumingin din sya sakin, iba talaga! grabeeeee super duper Dreams really do come true and it is so happening right now! As in!! SHOCKS!~ emotion_bigheart

Hayssss tapos na ang game!! Aalis na din si GM oh, bbye GM! WAAAA tumingin ulit sya! At tumingin ulit! UGHHH!! kung pede ko lang irecord at ivideo ung pagtingin nya sakin nakuuuuuuuuu para paulit ulit kong ipplay hahaha!
So close ng laban oh 70 / 67, more than 3 points na lang sana panalo na ang team nila! Sayang talaga! Pero ang tunay na panalo ngaun eh walang iba kundi ako hahaha!! Naka ilang points kaya si GM sakin? Naku hindi ko mabilang talaga kasi sa tuwing nangyayari un magkatinginan kami, nahihimatay yata ang utak ko sa kilig!!


emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum