Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
First taym again(1 second worth of happiness)
User Image


August 30 2013

First taym again(1 second worth of happiness)



Magkakasama kaming DEKS sa isang parang park na merong mga obstacles na kelangan daanan parang sa parke tapos parang relay sya. Nung malapit na kami sa exit ay bumalik ako kasi naiwan ko ang shoes ko! nakayapak na pala ako kaya bumalik ako mag-isa at nung nakuha ko na ay nandun naman si G-Ann at sya ang naging guide ko pabalik. Kasama ko na sina Dev at Kal at ung mga nasa likod namin ay parang familiar, mga pinsan pala ni Lhe !! Tapos nandun din si GM!! At merong kelangan talunan para maka alis dun sa isang stage at nung si GM na ang tumalon ay muntik pa syang mahulog! Naisip ko tuloy basketball player pa naman tapos palampa lampa sya!! hahaha! Kunwari na lang ay hindi ko sya nakita at hindi ko alam na nandun sya kaya dedma lang at nung nakaalis na kami ay sinabi ko na kena Kaliegh at Dev na yun yung crush kong si GM habang kinikilig naman ako ! At kinuha ko ang number ni Kal kasi nga namiss na namin sya. Biglang nakita na namin ang iba pa naming classmate at nandun din sina Kar at asawa nya! Tapos nahiya daw ako at umalis na lang.. at nagising na ako!!! Panaginip lang pala ang lahat! Kalerki! hahaha~ emotion_awesome

So ayun na nga napaka sad at sa panaginip ko lang nakita si GM! Nakakalerki naman un hahaha! Pero at least nakita ko na sya kahit sa panaginip lang ! Dati kasi kahit sa panaginip hindi ko talaga sya nakikita! Hahaha!! Ang saya lang~ pero kahapon ko pa un panaginip!! Kaninang umaga dahil ako'y late nanaman ay pagdating ko ay wala pa ang isa kong opis mate at aabsent daw pala dahil my inutos sa kanya ang kanyang father! Kaya kami na lang ni Ate ang naiwan dun at magbabayad ako ng Meralco nill! Kasi mapuputulan na kami omgee!! Kaya naman nagbayad agad ako ng bongga! At first taym ko lang talaga magbayad at ganun lang pala un. Pila ka lang tapos bigay mo sa cashier tapos bigay mo yung bayad at kung my sukli ay gora na! Tapos na hahaha! Balik na akong opis~ emotion_dowant

Late na nga kami naka lunch ni ate kasi naman sobrang bc sila gawa nung mga mag ttour sa Boracay sa linggo eh wala pang tiket yung iba! 1pm na nga kami nakapag lunch tapos sobrang slow motion pa yung nagtinda sa amin sa carinderia! Tinatawanan na lang namin ni ate Audrey tapos naka ilang balik pa si kuya para sa sukli namin! Gutom na gutom na kami ni ate tapos ganun pa hahaha! Tapos sobrang init pa ng kanin! Nakakalerki talaga ! emotion_omnomnom

Nung hapon na mga 3pm ay inutusan naman ako pumunta sa Sanggunian! First taym ko ulit dun at nakakalerki ganun pala dun! Ang description kasi ni ate eh pag umakyat ka ng hagdan ay masisilipan ka kasi puro lalaki daw doon at sa ilalim ng hagdanan ay andun lang ang mga opis! Pagdating ko kanina ay malayo naman pala sa iniisip ko! Iniisip ko yung parang siksikan na katulad sa city hall tapos luma ung mga facility na parang mga kahoy lang! Hindi pala! Very modern naman pala at ganda ng hagdanan hahaha! Yun nga lang yung office ay kita mo lahat tapos mga nakaharap yung computer sa window kaya kita mo lahat! Bawal mag facebook kasi mahuhuli ka haha! Tapos pagakyat ko ay sari sariling room sila at ganda ng pintuan. Parang sa mga Mall lang! Sobrang bano talaga ako first taym ko lang makaakyat doon sa Sanggunian at hinanap ko na yung room ng kelangan ko pagdalhan ng tiket! At ayun nakita ko na at binigay ko na! emotion_awesome

Hindi muna ako bumalik ng opis kasi walang tubig sa opis eh parang dehydrate na ako at ubos na yung baon kong tubig kaya naghanap ako ng maiinum sa parke. Tapos my mga nagppractis ng sayaw dun haha. Naalala ko tuloy dati doon din kami nag ppractice ng cheering namin. At ayun may nakita akong buko juice kaya bumili na ako. Parang gusto ko kumain ng banancue kaso ang nakita ko naman ay cheese stick! Parang gusto ko tikman kaya napabili ako, at habang niluluto na yung akin ay may nakita naman akong mga studyanteng kumakain ng bananacue! Ngali ngali kong ipacancel na lamang ang order kaso nahiya naman ako hehehe! At sobrang tagal maluto baka mapagalitan na ako at ang tagal tagal ko bumalik kaya ayun nung pagkabigay sakin nung cheese stick ay sinunggaban ko agad kahit mainit pa! Hindi naman masarap! Sa halagang P10 lamang at anim na pirasong cheese stick. Sana nag bananacue na lang ako! Bumalik na akong opis at sumakay ng tricycle! Yung tricycle dumaan kena GM kaso hindi ko naman sya nakita huhu emotion_facepalm

Mga ilang oras ang nakalipas at bayaran ko naman daw ang PLDT! Kasi tumawag si PLDT at parang ma disconnect na kami kapag hindi nakapag bayad ehh hirap pa naman pag walang internet sa office at kelangan lagi namin yun para sa tiket! Ayun ako ang pinagbayad pero naisip ko ay daan muna ako kena GM.! at habang naglalakad na ako,

OK lang ba yung buhok ko? Naku panu kung makita ako ni GM! aha! Magtaklob na lang ako ng scarf sa bibig para hindi nya ako mamukaan hahaha! Sisilip ulit akko dun sa katabi nilang ukay ukay para malaman ko kung andun sya, teka ang dami natingin hindi ako makasingit! Waaa yung pinsan ni Lhe andun! Naku baka makita ako! Labas muna dali! Hala my motor na kulay black! Kaso bakit merong plate number? Wala pa naman plate number si GM or baka meron na kasi matagal na rin yun eh?? Hala baka naman hindi sa kanya tong motor! Ayun pasok na lang ako dun sa katabi nilang ukay! Silip silip kunwari natingin ako wahahaha. Hala si ate na tindera nina GM sumilip din sa akin yanu! Naku hindi ko sya makita! Waley naman yata si GM eh huhuhu! Hays anu ba yan! Makalabas na nga dadaan na lang ako for a quick look! emotion_eyebrow

WAAAAAAAAA!! Paglingon kong ganyan at paglingon nyang ganyan! Parehas kami napatingin sa isat isa at parang nagulat! At tuluyan na akong umalis at sobrang bilis lang parang 1 second lang un!! SI GM!!!!! SI GM SI GM OMGEEEE!!!! at sumakay na akong JEEP pa GG at pupunta na akong PLDT!! GRABEEEEEE! NAKITA KO DIN SI GM SA WAKAS!!! Hahahaha!! SOBRANG SAYA KO TALAGA GRABEEEE!! Buti na lang wala akong kasakay sa jeep at baka isipin na babaliw na ako at nairit talaga ako sa loob ng jeep ng mahina hahaha!!! Nakakatawa kasi naglalaro yata sya ng tablet nya tapos napatingin sya sakin tapos ako din napatingin sa kanya tapos nagulat din ako na nandun sya tapos ung lingon nya na parang nagdalawang tingin na nagulat! Hhahaha!! Nakilala kaya nya ako?? Nakataklob naman ako ng scarf sa bibig eh hahaha!! Nakuuuuuuuuuuuuuu grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!! After how many months nooooo! Nakita ko na ulit syaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! ANG SAYA SAYA TALAGAAAAAAAAAA!!! emotion_kirakira

At nagbayad na ako sa PLDT. FIrst taym ko ulit dito sa mismong office nila na magbayad kasi sa SM ako nakapagbayad noon at mali pa ang napasukan ko kasi dun pala sa kabilang pintuan pero pinakuha na din ako ng bagong directory hahaha! Tapos ung pasakay na ulit akong jeep pabalik ng office ay naalala ko ulit si GM at napangiti nanaman ako ng bonggang bongga na wala ng mata pero nakataklob pa din ung scarf ko sa bibig ko. Pag mulat ko nakatingin sakin ung katabi kong babae na ung muka nya parang "anung nangyayari dito?" parang ganun hahaha!! Kung alam nya lang sobrang saya ko!! Tapos hindi muna ako bumalik ng office at balak kong bumalik sa tindahan nina GM kasi 5:00 pa lang eh mga 5:15 ako babalik para uwian na hahaha! Ako na lang naiwan sa jeep at tinatanung ako nung driver kung saan ako bababa eh hindi ko din alam kung saan na ba yung kena GM kapag dun sa quezon ave bababa hahaha! sabi ko na lang dyan po sa may banko. At buti naman at tama ang aking nababaan, tapos habang papalapit na ako ng papalapit sa kanilang tindahan ay parang may naaninag ako na naka short at naka rubber shoes at lalaki na parang si GM!! Kinakabahan na ako hindi ko alam kung saan ako ppwesto para sya ay aking makita!! Kasi ang tapat pala nun ay banko kaya hindi pede tumambay at baka barilin ako nung Guard ahahaa!! Tapos parang nagppulbo sya at nung medyo nakita ko na ang itsura ay hindi naman pala si GM!! Baka tindero nila hmp! Kaya pala iba yung rubber shoes at naka red na shorts! Nakakasura talaga edi lumipat ako ng pwesto, tumawid ako para mas makita ko kung andun si GM, tapos napansin ko wala na yung motor na black, OMGEE baka nga sa kanya yung motor kanina? Kasi hndi ko na sya makita ehh baka umuwi na sya kasi magbbasketball pa sya!!! Noooooo!! huhuhu waley na talaga bumalik na akong opis! emotion_8c

Nautusan pa ulit na bumili ng sobre at magdeliver ng tiket sa driver ng pa Mulanay pero kasama ko naman si ate kaya ok lang! At nag deposit na din kami ! Ako dapat ang pinapa fill up ni ate ng form at sya ang pipila eh pinapila na lang nya ako at sya na ang ang fill up. Akala ko eh sya na ang mag bibigay sa cashier eh ako na ang pinag deposit nya! First taym ko naman na makahawak ng P50k !! Sobrang bilis nga lang parang wala pang 1 minute kong hawak at binigay ko na sa cashier hahaha! At least doon lang din sa loob ng banko at hindi sa labas! Nakaka takot kaya yun! Nag McFloat kami pagkatpos hahhaa!! emotion_c8

Sobrang saya lang talaga kaninaa ohhhh, hanggang ngayon andun pa din ung hindi ko malimutan ung face nya OMGEE! Kung ikokonek ko yung napanaginipan ko, ung sa parke na parang may relay, diba pumunta ako ng parke kanina! Tapos nung sina GM na ang tatalon at nakita ko sya, nakita ko nga sya!! Grabee!! Nagkakatotoo ang panaginip ko!! Hahahaha! Parang first taym ko lang ulit sya makita in person!!! Yung parang 1 second namin na nagkatinginan is worth forever happiness! I am so looking forward to seeing GM again! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S. yung picture ko eh ung hawak kong PLDT disconnection notice hahaha! Buti na lang talaga ako ang nagbayad dahil nakita ko si GM!)






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum