Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Maagap pa!~
User Image


September 6 2013

Maagap pa



Hala 6 am na!! Ang dami kong tulog almost 10 hours haha! At wala pa pala kaming almusal kaya naman bibili na dapat si Mom ng pandesal eh ako na lang ang bumili. Paglabas ko ay merong binata na naglalako ng pandesal kaso nung tinanung ko sya ay wala na pala syang tinda! Kaya ayun kelangan ko talaga pumunta doon sa mini bakery. Doon ako dumaan sa basketball court. Aba ngayon na lamang ulit ako makakadaan dito ah! Nakakamiss naman haha, waaaw ang agap nila may mga naglalaro agad! Kaso wala naman si GM hmp! At nakasalubong ko pa yung player noong liga last summer lang. Hindi ko pa alam kung saaang kanto na nga ba ung mini-bakery na bibilhan ko. Pero ayun buti na lang at tama yung nilikuan kong kanto haha. Kala ko wala na silang tindang pandesal pero meron pa naman at kumuha na si Tita sa loob at bumili ako ng 20 piraso sa halagang P40. At yung nakita kong maglalako ng pandesal kanina ay dito rin pala galing ang mga paninda nya!
Hmmm left or right ako dadaan? Sa left na lang kahit malayo para dadaan ako sa bahay nina GM hahaa! At dumaan na ako kaso hindi ko naman sya nakita! Yung mommy lang nya ata yun nagpaplantsa! Baka tulog pa si GM haha~ blaugh

Hays wala naman kami ginawa ngayun sa office at wala si Mam namin. Kaya puro facebook lang at gaia ang aking ginawa. Nanunod na lamang din ako ng Naruto at sobrang late ko na sa latest episodes! Nagluto din si ate Aud ng tosino na ako ang bumili pero share share kami sa bayad haha! Sa halagang P20 lamang busog na kami! Bumili na lang kaming kanin sa tindahan. emotion_omnomnom

Dahil wala si Mam maagap kami maguuwian yehey!! Baka makita ko si GM sa basketball court OMGee!! Isang linggo na pala nung huli ko syang makita sa tindahan nila haha! Kapag naalala ko kinikilig pa din ako! At nung nasa may SM na ako ay nakita ko si Mom palabas ng pintuan at pumasok ulit! Wala pa kasing sakay yung jeep na sinasakyan ko eh baka gusto nya sumakay dun sa paalis na. Kumakaway na nga ako para makita ako ay hindi pa rin pala napansin. Maya maya lumabas na din at sumakay na din sa jeep na sinakyan ko at nagulat na nakasakay ako doon at kwentuhan naman kami. Nung naglalakad na kami pauwi ay nagkkwentuhan kami sa pamangkin at pinsan kong sabay ang birthday at may tinatanung sya sa akin ng biglang paglingon ko sa kanan...

OMGee !!! May naka motor na tumigil dahil my humps at si GM!!!!!!!!!!!!!!! emotion_jawdrop
SI GM !!!!!!!!!!! Nag ayus pa sya ng damit nya na white!! This is sooooooooooo unexpected talaga!! Si GM dumaan OMGee!! Ang saya naman!!! HAHHAHA! emotion_kirakira
At napatigil tuloy ako habang nagsasalita at napatingin din si Mommyta dun sa naka motor pero hindi naman nya tinanung kung sinu yun! Na shock pa din ako na sumulpot sya hahaha! Buti na lang talaga lumingon ako kasi sakto talaga as in!! Tapos parang my plate number na yung motor nya na FR-???? Hindi ko na nga natandaan! Gusto ko man pumunta doon sa covered court para sundan sya kaso may kelangan pa akong tapusin! Pero grabeeeee buti na lang at maagap kami umuwi ngayon at nakita ko syang dumaan weeeeeeeeee!! Hindi ko kinailangan ngayon mag effort para makita sya haha! I'm so kilig talagaaaaaaaaaaa~ emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S. kita nyu ba yung humps sa kalsada sa picture? Dyan lang naman sya dumaan pa left papuntang basketball court haha! )





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum