• Kaibigan,isa ka doon at alam mo iyon…
    kasama kita sa lahat ng oras..
    Tawa dito,tawa doon..
    Iyak dito, iyak doon…..
    Maaasahang tunay kung baga…

    Pero,sa isang idlap lang,binago mo ang lahat
    Sa mga simpleng salitang binitiwan mo,
    ginuho nito ang lahat.
    Sinaktan mo ako ng lubusan
    at iniwan mo kong luhaan

    Kung ang panahon man ang gagawa ng paraan upang maayos ang lahat,
    asahan mong hindi na maiibalik ang tiwalang naibigay sa iyo…
    Ba’t di mo lamang naisip ang mararamdaman ko sa ginawa mo?
    Pinatunayan mo lang na hindi mahalaga ang mararamdaman ko

    Wala na, wala na….
    Nilagyan mo na ng sugat ang puso kong ito,
    ika’y naging kaibigan ko ngunit kabiguan ang aking nakamit.